Pagpapatayo ng Pabahay Project sa Rodriguez, Rizal, uumpisahan na ayon sa DHSUD

Itatayo na sa Bayan ng Rodriguez sa Rizal ang proyektong “Pabahay sa Bagong Montalban.”

Ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), gagawin ito sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Target na itayo ang pitong 5-storey building sa Pahati Compound, Barangay Burgos.


Paliwanag ng DHSUD na aabot sa 480 pamilya ang inaasahang maging benepisyaryo ng Pabahay Project.

Pormal nang isinagawa ang groundbreaking ceremony sa project site na pinangunahan ni DHSUD Undersecretary Garry De Guzman, Rodriguez Mayor Ronnie Evangelista at iba pang opisyal.

Facebook Comments