2 INDIBIDWAL, ARESTADO SA MAGKAHIWALAY NA OPERASYON NG CAGAYANO COPS

CAUAYAN CITY – Naaresto sa magkahiwalay na operasyon ang dalawang wanted persons sa lalawigan ng Cagayan.

Sa ulat ng Cagayano Cops, unang naaresto si alyas “Rich”, 42-anyos, isang karpintero, at naninirahan sa Sta. Ana dahil sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu sa kanya.

Dinala si alyas “Rich” sa himpilan ng Sta. Ana PS para sa booking procedure at nahaharap ito sa kasong Attempted Homicide.


Samantala, naaresto rin si alyas “Vincent”, 24-anyos, isang magsasaka, at residente ng Baggao, Cagayan dahil sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Grave Threats.

Facebook Comments