Unang nadakip ng San Agustin Police Station si Rizal Rosales, 37 years old, may asawa, magsasaka at residente ng barangay Nemmatan, San Agustin, Isabela.
Hinuli si Rosales sa nabanggit na barangay matapos maaktuhang namumutol ng firewood gamit ang chainsaw.
Napag-alaman ng pulisya na walang permit to operate mula sa DENR ang nasabing suspek kaya tuluyan siyang hinuli.
Dinala sa San Agustin Police Station ang suspek at siya’y nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9175 o Chainsaw Act of 2002.
Samantala, timbog naman ang isang wanted person na si Raymart Taguinan, 32 years old, welder at residente ng barangay District 3, Cauayan City, Isabela.
Si Taguinan ay mayroong kinakaharap na kasong Malicious Mischief sa ilalim ng RPC Article 327.
Nahuli ang nasabing suspek sa kanyang lugar sa pamamagitan rin ng isinilbing warrant of arrest ng magkatuwang na tauhan ng 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company at ng Cauayan City Police Station.
Mayroon namang inirekomendang piyansa ang korte na Php3,000 para sa pansamantalang paglaya ng suspek.