PBBM, PERSONAL NA IGINAWAD ANG PARANGAL NI GOV. MAMBA

Pormal na tinanggap ni Cagayan Gov. Manuel Mamba mula mismo kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang Philippine Marine Corps Plaque bilang pagkilala sa kontribusyon at suporta ng Gobernador sa mga operasyon ng Hukbong Kawal Pandagat ng Pilipinas na naka-base sa Cagayan at Hilagang Luzon.

Isa si Gov. Mamba sa tatlong bukod tanging sibilyan na binigyan ng parangal sa selebrasyon ng Ika-72 Taong Anibersaryo ng Philippine Marine Corps.

Pinakapanauhing pandangal dito si Pangulong Bongbong Marcos na ginanap ngayong araw ng Lunes, November 7, 2022 sa National Headquarters, Fort Bonifacio, Taguig City.

Facebook Comments