2 indibidwal mula sa Super 5 cold storage, pinatawan ng contempt at idinitene ng Kamara

Dalawang indibdwal mula sa Super 5 cold storage ang pinatawan ng contempt ng House Committee on Agriculture and Food at sila ay 10 araw na madiditene sa Mababang Kapulungan.

Ito ay sina George Ong at Michael Ang na pina-contempt ni Quezon Rep. David Suarez dahil sa umano’y hindi nakikipagtulungn at hindi sumasagot ng totoo sa pagdinig ukol sa hoarding at manipulasyon sa presyo ng sibuyas at mga produktong agrikultural.

Ang hakbang ni Suarez ay pinaboran ng mga miyembro ng komite na pinamumunuan ni Quezon Rep. Mark Enverga.


Samantala, nagpasya naman ang komite na isyuhan ng “show cause order” ang mga resource person na “absent” sa pagdinig upang magpaliwanag.

Ayon kay Marikina Rep. Stella Quimbo, ang hindi pagharap ng mga inimbitahang resource person ay balakid sa pagtukoy sa katotohanan sa usapin ng hoarding at kartel sa industriya ng sibuyas.

Facebook Comments