2 Indonesian na kidnap victim ng ASG, na-rescue ng militar sa Sulu

Manila, Philippines – 2 Indonesian na kidnap victim ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group ang na-rescue ng militar sa Brgy. Bunot Indanan lalawigan ng Sulu kaninang alas 6:30 ng umaga. Kinilala ang mga biktima na sina Saparuddin Koni at Sawal Maryam.

Ito ang kinumpirma ni Brig Gen. Cirilito Sobejana commander ng task force Sulu.

Bukod dito kinumpirma rin ni Brig Gen. Sobejana na limang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang napatay sa nangyaring engkwentro sa Brgy. Upper Binuang Talipao Sulu.


Narekober nila ang bangkay ng limang bandido, habang nakuha rin nila ang 2 high powered firearms mula sa mga kalaban.

Facebook Comments