2 Kabataang Mandirigma, Sumuko sa Gobyerno

*Cauayan City, Isabela- *Boluntaryong sumuko sa militar at kapulisan ang dalawang kabataang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng San Mariano, Isabela.

Kinilala ang mga nagbalik-loob na sina Alyas Gina/Iyan, 18 taong gulang, Medical Officer, na sumampa sa rebeldeng kilusan noong taong 2017 matapos marekrut ni alyas Bunso na naunang sumuko sa pamahalaan at Alyas Mar/Jero, 19 taong gulang, Supply Officer, na narekrut noong taong 2018 ni Alyas Dennis na isa ring dating rebelde.

Ang dalawang sumuko ay kapwa residente ng bayan ng San Mariano at kasapi ng Regional Sentro De Grabidad, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley ng CPP-NPA.


Base sa pahayag ng dalawang bagong sumuko, nag-udyok sa kanila na kumalas na sa kilusan dahil sa pagtatakwil na ng taong bayan sa kanilang presensya at pagkamatay ng kanilang lider na si Ka Yuni na lalong nagpahina sa hanay ng rebelde.

Dahil dito, nakararanas umano sa kasalukuyan ang rebeldeng kilusan ng matinding gutom, pagod at takot.

Ayon pa sa dalawa, nais nilang tulungan ang mga naiwang kasamahan na makaalis sa kilusan dahil matagal na rin umanong binabalak ng mga ito na magbalik-loob sa gobyerno.

Nakahanda naman umanong makipag tulungan sa tropa ng pamahalaan ang dalawang bagong sumuko para mahikayat din ang iba para sa kanilang pagbabagong buhay.

Facebook Comments