2 kabataan, pinagpapalo ang isang pulubi hanggang sa mamatay; bangkay, kinuhanan pa ng litrato

382
(Shutterstock)

NEW JERSEY, US – Nahaharap sa first-degree murder ang dalawang kabataan matapos pagpapaluin ang isang pulubi hanggang sa mamatay at kinuhanan pa ng larawan ang kanyang bangkay.


Ayon sa piskal, akusado ang 15-anyos na lalaki at 17-anyos na babae sa pagpatay kay Bobby J. Hill,63, noong nakaraang linggo.

Natagpuan ng awtoridad noong Hunyo 25 ang wala nang buhay na matanda na may malubhang tama sa ulo na idineklarang patay kalaunang maisugod sa ospital.

Sa tulong ng CCTV footage ay natunton ng mga pulis ang lokasyon ng mga suspek na hindi pinangalanan dahil pawang menor de edad at agad inaresto noong Martes ng gabi.

Nakita sa video na kasama nila ang biktima habang naglalakad sa isang eskinita sa lugar at makalipas ang ilang minuto ay dalawa na lamang silang bumalik.

Ayon pa sa report ay kinuhanan ng mga suspek ang bangkay ng biktima gamit ang isa sa kanilang cellphones.

Facebook Comments