Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa QC, pumalo na sa 3,410

27

Nadagdagan pa ng apatnapu’t walo (48) ang bilang ng confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod ng Quezon.

Base sa report ng QC Epidemiology and Surveillance Unit and District Health Offices, pumalo na sa 3,410 ang confirmed positive cases sa lungsod.


3,302 dito ang total number ng validated cases at 1,082 ang active COVID-19 cases.

May nadagdag pang dalawa na bagong kaso ng namatay para sa kabuuang 235.

May pitong bagong nakarekober na may kabuuang 1,985 na gumaling.

Pinakamaraming naitalang namatay ay sa Batasan Hills na may 15 bilang at 102 ang recoveries para sa 141 na total cases.

Pumangalawa ang Barangay Culiat na may 11 namatay, 108 recoveries sa 147 total cases at ang Barangay Tandang Sora na may naitalang 11 namatay at 49 ang nakarekober mula sa kabuuang 92 COVID-19 cases.




Facebook Comments