2 Kalabaw ng Isang Garbage Collector, Pinagbabaril!

*Cauayan City, Isabela-* Inaalam pa rin ngayon ng PNP Cauayan City ang nasa likod ng pamamaril sa dalawang kalabaw sa Brgy. Carabatan Chika, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang may-ari ng kalabaw na si Fernando Ambatali, 55 anyos, garbage collector at residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, nakita mismo ng may-ari ng kalabaw ang alaga nito na tadtad na ng bala ng baril nang ito ay kanyang bisitahin sa bukid.


Sa imbestigasyon naman na isinagawa ng PNP Cauayan ay narekober sa pinangyarihan ng pamamaril ang 24 piraso ng basyo ng bala kung saan inaalam pa ng pulisya ang uri ng ginamit na baril maging ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek.

Facebook Comments