Inihayg ng pamunuan ng Taal Interagency Coordination Agency na dalawang National Roads ang pansamantalang isinara dahil sa pagputok ng Bulkang Taal, ayon na rin sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay Senador Francis Tolentino head ng Taal Interagency Coordination Agency ang mga National Road na ito ay ang Tagaytay Talisay Road at ang Tagaytay Taal Lake Road.
Napag-alaman na sobrang kapal ng putik sa mga naturang kalsada, dahil sa mga abong ibinuga ng Bulkang Taal.
Dahil dito ay maghanap muna ng alternatibong ruta ang ating mga kababayan.
Nagdeploy naman na ang DPWH ng manpower at mga 45 pirasong dump truck at equipment upang tumulong sa Rescue at Evacuation Procedures sa ilang mga bayan sa Batangas.
Kabilang na rito ang San Nicholas, Talisay, Balete, Agoncillo, Tanuan at Laurel, na apektado ng pag-aalburuto ng Taal Volcano.