2 Kalsada sa Bayan ng Kasibu, Nueva Vizcaya, Nasira!

1091

Cauayan City, Isabela- Dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan ay dalawang kalsada ang nasira sa bayan ng Kasibu, Nueva Vizcaya.

Nabitak at gumuho ang ilang bahagi ng kalsada sa Barangay Binogawan at Tadji sa naturang bayan.


Pansamantalang isang linya lamang ang pwedeng daanan sa naturang kalsada at mahigpit na ipinagbabawal ang mga malalaking sasakyan dahil sa posibilidad na maaari itong bumigay.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Gov.Carlos Padilla, nakipag-ugnayan na siya sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa clearing operation at makumpuni ang mga nasirang kalsada upang makadaan ang mga residente patungo sa kabayanan.

Samantala, passable ang pangunahing lansangan sa Nueva Vizcaya papasok at palabas sa rehiyon dos.

Facebook Comments

From Advertisers