*Cauayan City, Isabela*- Pinasalamatan ni City Mayor Bernard Dy ang dalawang Barangay ng Baculod at Gappal matapos isauli ang sobrang sako-sako ng bigas na una nang ipinamahagi sa bawat barangay sa lungsod.
Ito ay matapos ihayag ng alkalde sa kanyang Public Address ang mga ginawa ng dalawang kapitan ng naturang barangay.
Giit pa ng opisyal na napakalaki ng ambag at sakripisyo ng mga opisyal ng barangay sa paghahatid ng tulong sa kanilang nasasakupan bunsod ng nararansang krisis ng bansa.
Samantala, naipamahagi na ang kabuuang 41,625 na 25 kilos ng bigas sa lahat ng barangay sa lungsod gayundin ay nabigyan na ng tulong ang ilang stranded na mag-aaral ng Our Lady of the Pillar at Isabela State University.
Kaugnay nito, nakapagtala ng 17,834 registered sa ilalim ng Relief Assistance Monitoring System.
Hiniling naman ni Mayor Dy sa publiko na iwasan hangga’t maaari ang pambabatikos sa mga opisyal ng barangay kundi agarang ikonsulta ito sa iba pang kinauukulan kung may pagkakamali man ang mga ito at hindi pagmulan ng panghuhusga mula sa iba pang tao.