2 Kasapi ng Tuguegarao Local Drug Group, Timbog

Tuguegarao City, Cagayan – Dalawang kasapi ng lokal na drug group ng Tuguegarao City ang naaresto matapos silang magbenta ng droga sa mga otoridad.

Sa impormasyong nakalap ng 98.5 DWKD RMN News Team mula sa tanggapan ng PDEA Region 2, sina Yusofh Cosain Jr alyas Tonton, 29 anyos, may asawa, cellphone vendor at residente ng Brgy 10, Riverside, Tuguegarao City at si Sophie Querubin, 24 anyos walang asawa, walang trabaho at residente ng Mabazza St., Annafunan ng pareho ding lungsod ay nagsabwat para magbenta ng shabu sa mga ahente ng PDEA, Cagayan PNP, 17IB troopers at NBI.

Ikinasa ang matagumpay na buy bust operation bandang alas kuwatro ng hapon, Setyembre 8, 2017 sa Barangay 10, Riverside, Tuguegarao City at nakumpiska rin sa kanila ang ibat ibang drug paraphernalia at mga wala nang laman pero may latak pa ng posibleng shabu na sachet.


Nilalakad na ang kaso laban sa dalawa sa Tuguegarao City Prosecution Office dahil sa kanilang paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments