Senior Citizen na Pusher, Arestado

89

Ballesteros, Cagayan – Arestado ang isang 65 anyos na suspek dahil sa pagtutulak ng droga.

Sa impormasyon na nakalap ng 98.5 DWKD RMN News Team, nagsagawa ng isang matagumpay na buy bust operation ang mga pinagsamang elemento ng PDEA RO II, Ballesteros Police Station at 17th IB, Philippine Army sa Provincial Road, Centro East, Ballesteros, Cagayan.


Nagresulta ito sa pagkaka aresto ng isang Napoleon Co y Lacuana, 65 anyos, may asawa, walang trabaho at residente ng Mabuttal East, Ballesteros, Cagayan.

Napag alaman na si Co ay kasapi ng local drug group sa Ballesteros, Cagayan.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang (1) pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.

Pinoproseso na ngayon ang kasong isasampa laban sa kanya batay sa paglabag sa Section 5 ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments

From Advertisers