2 KASO NG DENGUE, NAITALA SA BRGY. RIZAL

CAUAYAN CITY- Nakapagtala ng dalawang kaso ng dengue ngayon taon ang Brgy. Rizal, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Mary Ann Cabauatan, Kagawad sa nabanggit na barangay, dalawang mag-aaral ng elementarya ang tinamaan ng sakit na dengue sa kanilang lugar.

Aniya, matapos maitala ang dalawang kaso na ito ay kaagad na nagsagawa ng fogging ang hanay ng Rizal partikular sa mga drainage canal, paaralan, at lugar na tinamaan ng sakit na dengue.


Dagdag pa niya, bukod sa fogging ay mahigpit rin na ipinatutupad ang pagpapanatili ng kalinisan sa bawat sektor upang maiwasan muli na makapagtala ng dengue sa lugar.

Panuorin ang kanyang naging pahayag: CLICK HERE!

Facebook Comments