2 Katao, Arestado dahil sa Pangangalunya!

*Ifugao- *Huli ang dalawang indibidwal na wanted sa batas matapos isilbi ang kanilang mandamiento de aresto sa Brgy. Sta Maria, Alfonso Lista, Ifugao.

Kinilala ang dalawang akusado na sina Diana Rose Bullaging, 28 anyos, may-asawa, residente ng Brgy. Sta Maria, Alfonsolista, Ifugao at Jestoni Dasalla, 34 anyos, may-asawa, residente naman ng Brgy. Namillangan, Alfonso Lista, Ifugao.

Ganap na alas syete ng umaga kahapon, Hunyo 11, 2019 nang isilbi ang warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Eric Banasan ng MTC San Mateo, Isabela laban sa dalawang akusado dahil sa kanilang kaso na Adultery.


Dinala na sa San Mateo Police Station ang dalawang naaresto para sa kukulang dokumentasyon at sila’y pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ng piyansa na tig-tatlumpu’t anim na libong piso (P36,000.00).

Facebook Comments