2 Katao, Arestado sa Magkahiwalay na Operasyon ng Pulisya sa kasong Estafa

101

*Cauayan City, Isabela*-Dalawang katao ang inaresto ng pulisya matapos isilbi ang kani-kanilang mandamiento de aresto nito sa magkahiwalay na operasyon.

Kinilala ang akusado na sina Flordeliza Nague, 74 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Cabugao, Echague, Isabela at Franciso Gabuat, 53 anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. Dipangit, Jones, Isabela.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dinakip si Nague sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni kagalang galang hukom Michelle Gumpal-Videz ng MTC Echague habang ipinalabas naman ni kagalang galang hukom Bernabe Mendoza ng RTC Br. 23 Roxas Isabela para sa kasong Estafa na isinampa laban sa mga akusado.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan ni Nague kung makakapagpiyansa ng nagkakahalagang P12,000.00 habang P80,000.00 naman kay Gabuat.

Nananatili naman sa kustodiya ng pulisya ang mga nasabing akusado para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments