Pagbisita ni Sen. Go sa Cagayan, Kanselado dahil sa Ashfall

56

Cauayan City, Isabela– Nakatakdang buksan sa publiko ang Malasakit Center sa Cagayan Valley Medical Center sa Lungsod ng Tuguegarao na pangungunahan ni Sen. Bong Go at Malasakit Center National Head Sec. Michael Lloyd Diño.


 

Ayon kay Dr. Glen Matthew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC, maliban sa bubuksan ang nasabing center ay magkakaloob din ang Senador ng tulong para sa mga pamilyang apektado ng malawakang pagbaha sa nagdaang kalamidad sa Probinsya ng Cagayan.

 

Kaugnay nito, ngayong araw sana ang nakatakdang pagbisita ng Senador pero ayon sa kampo nito ay hindi makalapag ang sasakyan sana nitong eroplano mula Davao City hanggang NAIA dulot ng ashfall dahil sa pagputok ng Bulkang Taal.

 

Nagpasalamat naman si Dr. Baggao dahil sa programa ng Malasakit Center ay mas lalo pang matutugunan ang pangangailangan ng mga tao.

 

Photo Courtesy: Preen.Ph

Facebook Comments