2 Katao, Arestado sa Pagpupuslit ng mga Iligal na Kahoy!

*Ilagan City, Isabela- *Natiklo ng mga otoridad ang dalawang katao habang pinaghahanap pa ang isa sa kanilang kasamahan sa pagpupuslit ng mga iligal na kahoy sa Brgy. Cabisera 22, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang mga nadakip na sina Nickson Ulnagan, 35 anyos, may-asawa, magsasaka, residente ng Cabisera 10, City of Ilagan, Isabela at Eduardo Calderon, 49 anyos, may-asawa, magsasaka, residente naman ng Cabisera 9-11, City of Ilagan, Isabela habang atlarge naman ang nagngangalang Rolly Paludipan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, nakatanggap ng tawag mula sa concerned citizen ang tanggapan ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company (IPMFC) na mayroon umanong isang van na may mga kargang iligal na kahoy na nakatakdang maibyahe sa syudad ng Ilagan.


Agad namang nirespondehan ang nasabing sumbong na nagresulta sa pagkahuli ng mga suspek at narekober ang tinatayang 200 boardfeet ng Narra Flitches, isang asul na Van na may plakang TXJ 975, isang XRM125 na may plakang BD 17708, isang Honda Mio na may plakang BD 73391 at dalawang unit ng cellphone.

Dinala na sa Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang mga narekober na kahoy para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments