2 Katao, Huli sa Pagtutulak ng Iligal na Droga

34

Cauayan City, Isabela-Timbog ang dalawang (2) katao matapos magpositibo ang sa droga ng isilbi ang search warrant sa mga suspek sa Brgy. Calamagui 2nd, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang mag suspek na sina Jethro Ballesteros at Ramilio Ballesteros na kapwa residente ng nasabing lugar.


Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Ilagan City, positibo ang kanilang naging operasyon dahil sa mga nakumpiskang iligal na droga na aabot sa sampung (10) pakete ng shabu, pinatuyong dahon ng marijuana at mga drug paraphernalia.

Agad na dinala sa himpilan ng pulisya ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments