Mga namatay sa nangyaring landslide sa isang minahan sa Myanmar, umakyat na sa 113

Umabot na sa 113 katao ang namatay sa nangyaring landslide sa Jade Mine sa Hpakant, Kachin sa Northern Myanmar.

Ayon sa ulat, nagmimina ang mga nasabing biktima ng gumuho ang lupa dahil sa malakas na pag-ulan sa nasabing lugar.

Nabatid na karaniwan na lamang ang ganitong mga insidente sa Hpakant.


Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang rescue operations ng mga otoridad.

Facebook Comments