2 Katao kabilang ang Isang Menor de Edad, Kalaboso sa Pagnanakaw!

26

*Echague, Isabela- *Arestado ang isang laborer kasama ang isang menor de edad matapos magnakaw sa dalawang apartment sa Brgy San Fabian, Echague, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Christoper Jacinto Domingo, 35 anyos, walang asawa at ang 15 anyos na binatilyo na kapwa residente ng Brgy. Rosario, Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, dakong 10:30 kaninang umaga nang makatanggap ng sumbong ang himpilan ng PNP Echague kaugnay sa pagnanakaw ng dalawang suspek sa dalawang apartment sa Brgy. San Fabian.

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga pulis na nagresulta sa pagkakahuli ng mga suspek.

Narekober sa kanilang pag-iingat ang tatlong unit ng Laptop, tatlong unit ng cellphone at isang flash drive.

Dagdag dito, nakumpiska rin mula sa mga suspek ang isang sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Dinala na sa Echague Police Station ang dalawang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments