Helper na High Value Target ng PDEA, Timbog sa Cordon, Isabela!

*Cordon, Isabela- *Bagsak sa kulungan ang isang helper na kabilang sa high value drug target ng PDEA matapos mahuli sa inilatag na drug buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy Rizaluna, Cordon, Isabela.

Ang nadakip ay nakilalang si Severino Duyag, 44 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Rizaluna, Cordon, Isabela.

Hinuli si Duyag matapos mabentahan kaninang umaga ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na bumibili sa halagang limang daang piso (P500.00).


Nakumpiska rin mula sa pag-iingat ni Duyag ang isang motorsiklo na ginamit nito sa transaksyon.

Nasa kustodiya na ng PNP Cordon ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments