2 Katao na may Ibat-ibang Kaso, Inaresto ng mga otoridad!

ISABELA- Matagumpay na inaresto ng mga otoridad ang dalawang katao na may kasong kinakaharap matapos isilbi ang kanilang Warrant of Arrest sa magkakahiwalay na lugar sa Lalawigan ng Isabela.

Kinilala ang unang nahuli na si Michael Bentero Dasalla, 41 anyos, may asawa, residente ng Brgy. Auitan, San Pablo, Isabela na may kasong paglabag sa PD 705 o Forestry Code of the Philippines na may inirekomendang piyansa na P40,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Arestado rin ang Top 5 Most Wanted Person sa bayan ng Dinapigue na kinilalang si Jimmy Dapiawen Caligtan, 31 anyos at residente ng Brgy. Ayod, Dinapigue, Isabela.


Inaresto si Caligtan sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hukom Ester L. Piscoso- Flor, Acting Presiding Judge, RTC Branch 21 Santiago City dahil sa kasong paglabag sa RA 9262 o o Violation Against Women and Children.

Makakalaya lamang si Caligtan kung makakapaglagak ng inirekomendang piyansang P24,000.00.

Samantala, nasa himpilan na ng pulisya ang dalawang akusado para sa kanilang kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments