2 Katao na Wanted sa Batas, Timbog sa Kasong Tangkang Pagpatay at Swindling!

64

*San Manuel, Isabela- *Nasa kamay na ng mga alagad ng batas ang dalawang katao na may kasong attempted murder at swindling matapos isilbi ang kanilang Warrant of Arrest sa magkahiwalay na lugar sa Lalawigan ng Isabela.

Unang dinakip ng mga kasapi ng San Manuel Police Station si William Dela Cruz, 38 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Sandiat East, San Manuel, Isabela.


Siya ay nahaharap sa kasong tangkang pagpatay at may kaukulang piyansa na P120,000.00.

Samantala, nahuli naman bandang 9:40 kaninang umaga si Veronica Lora, 40 anyos, may-asawa, residente ng Brgy. District 1, Gamu, Isabela.

Inaresto ng PNP Gamu si Lora sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni judge Isaac De Alban ng RTC Branch 16, Ilagan City, Isabela dahil sa kasong Swindling.

Pansamantalang makakalaya si Lora kung makakapagpiyansa ng P80,000.00.




Dinala na sa magkahiwalay na himpilan ng PNP ang dalawang akusado para sa karagdagang dokumentasyon bago dalhin sa kanilang court of origin.

Facebook Comments