2 Katao sa Isabela, Inaresto sa Magkahiwalay na Operasyon ng Pulisya

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang lalaki matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto nito sa Brgy. Dallao, Cordon, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Donato Habiling Sr., 64 anyos, may asawa, isang magsasaka at residente sa nasabing lugar.

Inaresto si Habiling ng PNP Cordon sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni kagalang-galang hukom Anastacio Anghad ng RTC Br. 36 Santiago City para sa kaso ng RA 8353 Article 266 par. 1 at 2. Habang wala naming inirekomendang piyansa ang korte para sana sa pansamantalang kalayaan nito.


Samantala, dinakip din ng awtoridad mula Cauayan City Police Station ang isang tindero matapos isilbi ang warrant of arrest nito sa Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Jefferson Limbauan, 38 anyos, may asawa at pawang residente ng Brgy. Labinab sa nasabing lungsod.

Hinuli si Limbauan matapos ipalabas ni kagalang-galang hukom Ariel Palce ng RTC Br.40 Cauayan City ang mandamiento de aresto nito para sa kasong paglabag sa RA 9262 o Violation Against Women and Children.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapagpiyansa ng nagkakahalagang P24,000.00.

Sa ngayon ay nananatili sa kustodiya ng mga awtoridad ang mga nasabing akusado.

Facebook Comments