Babae, patay matapos magpaturok ng pampaputi

48269

Ikinamatay umano ng isang 33-anyos na babae ang pagpapaturok ng glutathione at iba pang vitamins sa isang spa sa Sampaloc, Manila.

Ayon sa natanggap na ulat ni P/Captain Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, nawalan ng malay ang kinilalang si Shyrill Shyrill Gee Empas sa mismong spa, bandang alas-3 ng hapon noong Lunes.


Matapos umano itong maturukan ng isang klase ng pampaputi at isang ampule ng Ascorbic Acid Vitarex-C.

Isinugod sa ospital ang biktima ngunit binawian din ng buhay pasado alas-11 ng gabi ng parehong araw.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya habang hinihintay ang resulta ng autopsy at toxicology examinations.

Facebook Comments