2 Katao Sugatan Matapos Bumangga ang Motorsiklo sa Concrete Barrier

139

*Cauayan City, Isabela*- Nagpapagaling na ang dalawang katao matapos aksidenteng bumangga ang kanilang minamanehong motorsiklo sa isang concrete barrier bandang alas tres kahapon (January 5, 2019) sa Brgy. Dalibubon, Jones, Isabela.

Kinilala ang mga biktima na sina Charlito Garcia, 32 anyos at Leslie Ann Tayag, 29 anyos na kapwa residente ng Brgy. Rosario, Santiago City.

Ayon kay P/Capt. Mervin Delos Santos, Hepe ng PNP Jones, binabagtas ng tsuper ng motorsiklo na si Garcia ang daan patungong bayan ng Echague ng aksidente itong bumangga sa pakurbadang daan at nawalan ng kontrol at bumangga sa konkretong barrier at nagtamo ng sugat sa ulo si Garcia habang ang angkas nito ay bahagyang sugat lang ang natamo sa iba’t iabng bahagi ng katawan.


Agad namang dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang mga biktima para sa paunang lunas habang inilipat sa isang hospital ang driver ng motorsiklo matapos makaranas ng matinding sugat sa ulo.

Nagpaalala naman ang pulisya sa publiko na ugaliin ang pagiging alerto at magdahan-dahan sa pagmamaneho lalo na sa mga pakurbang daan upang makaiwas sa aksidente.

Photo Courtesy: Boracay Informer



Facebook Comments