UST, iginiit na nakikipagtulungan sila sa kaso ni hazing victim Atio Castillo

Manila, Philippines – Pinabulaanan ng University of Sto. Tomas na hindi sila nakikipagtulungan para sa hustisya sa pagkamatay ng kanilang freshman civil law student na si Horacio Castillo III.

Sa official statement ng UST , nilinaw nito na sa katunayan Agad silang bumuo ng kumite na mag-iimbestiga sa pagkamatay ni Atio.

Nakipagtulungan din anila sila sa Manila Police District at National Bureau of Investigation para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga myembro ng Aegis Juris fraternity at ang mga posibleng may kinalaman sa krimen.


Nanawagan din ang UST para sa panalangin para mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Atio at para manaig ang katotohanan.

Facebook Comments