2 Katutubo na Lider ng NPA na at 2 iba pa, Sumuko sa Pamahalaan

Cauayan City, Isabela- Sumuko sa kasundaluhan at kapulisan ang tatlong dating lider ng New People’s Army (NPA) na kinabibilangan ng 2 katutubo at isang dating medical officer ng kanilang grupo.

Nakilala ang mga nagbalik-loob sa gobyerno na si alyas ‘Bunso’ na dating Platoon Kumander ng RSDG/KLG-QNV, KR-CV at ang kanyang asawa na dating Medical Officer na si alyas ‘Joan’.

Kasama sa apat na sumuko ay si alyas ‘Bombo’ na dati rin Bise Kumander ng isang Platoon ng RSDG/KLG-QNV, KR-CV at si alyas ‘Romel’ na dating Team Lider din ng nasabing grupo.


Pagkatapos magbalik-loob ay itinuro ng mga ito ang isa sa kanilang imbakan ng bomba sa bulubunduking bahagi ng Sierra Madre.

Sina alyas Bombo at alyas Bunso ay pawang mga katutubo na kasapi ng mahigit isang dekada o sampung taon sa grupo ng NPA hanggang sa sila’y namulat at naisipang umalis sa kilusan.

Ayon kay Lt Col Gladiuz Calilan, Commanding Officer ng 95IB, ang pagsuko ng apat ay malaking kawalan sa mga natitirang NPA sa Probinsya ng Isabela dahil sila ang ginagamit ng NPA na manghikayat sa kapwa nila katutubo at pang taktikal na opensiba.

Nanawagan din si Lt Col Calilan sa mga naiiwan pang rebelde na magbalik-loob na at makatanggap din ng benepisyo mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng Gobyerno.

Facebook Comments