2 kidnaper, patay matapos makipagbarilan sa mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group sa Teresa Rizal

32

Patay ang dalawang kidnaper sa ikinasang operasyon ng Philippine National Police (PNP) Anti-Kidnapping Group sa Teresa Rizal kagabi.


Ayon kay PNP-AKG Director Brigadier General Jonnel Estomo, sa pamamagitan ng search warrant, sinalakay nang kaniyang mga tauhan ang Sitio Ibabaw 2, Dulongbayan Teresa, Rizal dahil nasa area ang target ng search warrant na si Rodel Cabungcal Basi.

Pero papalapit pa lamang sila sa tinutuluyan ng suspek ay agad na silang pinagbabaril nito kasama ang kaniyang kapatid na si Romar Basi.

Dahil dito, gumanti ng putok ang mga pulis dahilan para mapatay ang magkapatid na kidnaper.

Ayon kay Estomo, ang dalawa ay sangkot sa serye ng pagdukot sa mga Indian nationals, pagnanakaw at gun for hire at sangkot din sa serye ng patayan sa lalawigan ng Rizal.

Sa operasyon, nakuha ng mga pulis sa mga nasawing kidnaper ang isang shotgun, isang 9mm pistol, isang caliber at 45 pistol.

Facebook Comments