Manila, Philippines – Patay ang dalawang Indian na miyembro ng kidnap for ransom group matapos makipagbarilan sa mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping-Group.
Ito ang kinumpirma ni PNP AKG Chief Police SSUPT. Glen Dumlao.
Aniya nangyari ang encounter kaninang alas 3:05 ng madaling araw sa Palanas Road, Anabu 1G, Imus City, Cavite.
Mismong mga tauhan ng PNP AKG nakatalaga sa Camp Crame ang nagsagawa ng hot pursuit operation laban sa mga kidnaper.
Pinoproseso pa ng PNP SICI ang dalawang bangkay para sa pagkakakilanlan mga ito.
Facebook Comments