2 kongresista, nagpahayag ng buong suporta sa planong paghahain ng Quo warranto case laban kay Bamban Mayor Guo

Nagpahayag ng buong suporta sina Manila, 6th District Representative Bienvenido “Benny” Abante Jr. at Lanao del Sur, 1st District Representative Zia Alonto Adiong sa plano ng Office of the Solicitor General na maghain ng quo warranto case laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Si Guo ay inaakusahang may kinalaman sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) hub sa kaniyang lugar.

Ayon kay Congressman Adiong, ang balak ng OSG ay paraan upang maprotektahan ang ating electoral processes na para lamang sa mga natural-born Filipino.


Para kay Adiong, nakababahala ang kabiguan ni Guo na makapaglabas ng mga dokumento na susuporta sa pagiging Pilipino nito bukod sa kuwestyunable rin na 17-taong gulang na ito nang iparehistro ang kaniyang kapanganakan.

Sinabi naman ni Congressman Abante, na masyadong garapal ang mga sagot ni Guo sa mga hearing na bumubusisi sa kaniyang pagkatao.

Sabi ni Abante, dapat agad alisin sa puwesto si Guo kung mapatutunayan na hindi ito tunay na Pilipino.

Facebook Comments