Dagdag-bawas sa petrolyo, aasahan sa susunod na linggo

May namumuro ulit na rollback sa presyo ng gasolina sa susunod na linggo.

Batay sa unang apat na araw ng trading, posibleng bumaba ng bente (₱0.20) hanggang kwarenta’y singko (₱0.45) sentimos ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Habang mapuputol na ang ilang linggong bawas-presyo sa kerosene dahil inaasahang tataas ang presyo nito ng diyes (₱0.10) hanggang bente (₱0.20) sentimos kada litro.


Dagdag na bente (₱0.20) sentimos o tapyas na diyes (₱0.10) sentimos naman ang aasahan sa diesel.

Ayon sa mga taga-industriya, pababa pa rin ang trend ng presyo ng langis dahil sa mahinang economic activity ng Amerika at China, pero inaasahang tataas na ang demand pagsapit ng Agosto.

Facebook Comments