2 Laborer, Huli sa Pag-iingat ng Hindi Lisensyadong Chainsaw

Cauayan City, Isabela- Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9175 o Chainsaw Act of 2002 ang dalawang lalaki dahil sa pag-iingat ng hindi lisensyadong chainsaw ng arestuhin ito bandang 9:30 sa Brgy. Bagumbayan, Tuao, Cagayan.

Kinilala ang suspek na sina Richard Sagsagat, 37-anyos, may-asawa at Leonardo Uy, 42-anyos kapwa residente sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng Tuao Police Station, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen ukol sa paggamit ng hindi lisensyadong gamit sa pamumutol ng kahoy.


Nakumpiska sa mga suspek ang isang unit ng STHIL Chainsaw na may Engine Number 167407111.

Sa pinahuling datos ng Cagayan Police Provincial Office ay nakapagtala ng mahigit sa 700 ang naipapasakamay na chainsaw sa kanilang tanggapan.

Samantala, nahharap din sa paglabag sa RA 11332 ang mga suspek sa kabila ng umiiral na General Community Quarantine.

Facebook Comments