2 lalaki at 2 babae, huli sa anti-drug buy bust operation sa Dipolog City

Dipolog City, Zamboanga del Norte – Dalawang lalake at dalawa rin babae ang naaresto sa magkakasunod na anti-drug buy bust operation ng *City Drug Enforcement Team** (**CDET**)* sa Dipolog CPS sa pagpanguna ni PSI Alexis Bahunsua kasama ang Philippine Drug Enfocement Agency (PDEA-9) sa dalawang pension house dito sa Dipolog city.

Nabatid na unang ikinasa ang operasyon sa room number 5 ng Casbaj Lodging House, sa may barangay central nitong lungsod kung saan naaresto si Mark Joven Gatorain Perez, 25 anyos, binata at residente ng barangay napilan, bayan nga rizal, nitong probinsiya.

Sunod namang isinagawa ang operasyon sa room number 8 ng Eustaciaโ€™s Pension House, barangay biasong, nitong lungsod kung saan nahuli rin ang isa pang lalaki na si John Gretzel Baot Sagaral, 21-anyos, at ang kasama nitong dalawang babae sila Kimberley Aligsao Panulaya, 26 anyos, dalaga, temporarily residente ng gomez st., barangay biasong, Ruchel Siman Dinawanao, 22 anyos, dalaga, residente ng barangay poblacion, bayan ng manukan, zn.


Ayon sa otoridad, nakuha sa mga naarestong suspek ang mga pakete na naglalaman ng mga hinihinalang shabu, na pagsasamahin ang mga ito ay aabot sa 85-K market values, mga drug paraphernalia, buy bust money at iba pang mga ebidenysa na maaaring magpadiin sa mga ito sa reklamong isasampa laban sa kanila.

Sa ngayon ay nakakulong na ang mga ito sa Dipolog City Police Station.

Facebook Comments