2 Lalaki, Huli sa Pag-iingat ng Hindi Lisensyadong Baril

60

Cauayan City, Isabela- Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 10591 laban sa dalawang suspek matapos magresulta ng pagkakadiskubre ng mga hindi lisensyadong baril sa magkaibang bayan sa Lalawigan ng Cagayan.

Nakilala ang mga suspek na sina Romel Manblug, 41-anyos, may-asawa at residente ng Gaggabutan West, sa Bayan ng Rizal at Ruben Ponce, 46-anyos, may-asawa, isang construction worker at residente naman ng Brgy Visitacion sa Bayan ng Sta. Ana.


Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, isinilbi ng mga awtoridad ang search warrant laban kay Manablug at iprinisenta ng suspek ang baril nito kabilang ang isang homemade pong at isang (1) caliber 7.62 na may kasamang tatlong bala.

Kaugnay nito, nakumpiska kay Ponce ang isang homemade caliber 38 na may kasamang dalawang (2) live ammunition.

Sa ngayon ay ikinostodiya na ng pulisya ang mga suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments