Cauayan City, Isabela- Arestado ang dalawang lalaki na armado ng mga baril matapos masakote ng mga awtoridad sa Diffun, Quirino kahapon, Agosto 23.
Kinilala ang mga suspek na si Danilo Alicon, 54-anyos, may-asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. San Antonio, Cabisera, Ilagan at Deo Malinao, 23-anyos, may-asawa, may-asawa,negosyante at residente ng Brgy. Alibadabad, San Mariano, Isabela.
Batay sa report ng PNP, isang concerned citizen ang tumawag sa kanilang upang ipagbigay alam ang isang kahina-hinalang kulay gray na sasakyan na walang plaka at buradong conduction sticker na nakapark-buong magdamag sa gilid ng daan lulan ang dalawang lalaki.
Una rito, hiniling ng mga rumespondeng pulis sa mga suspek na buksan ang bintana ng kanilang sasakyan at tinanong ang kanilang pangalan subalit si Alicon ay bumaba sa sasakyan at nakaambang bubunot ng baril mula sa kanyang sling bag na kaagad namang inagaw ng isang operatiba mula sa kanya.
Dahil dito, nakarekober mula sa bag ang isang caliber 45 pistol na may serial number 151054, isang short magazine na may lamang walong bala, isa pang magazine na may siyam na bala, cellphone at isang itim na bonnet na may nakatagong dokumento.
Nakumpiska naman mula sa sasakyan ni Malinao ang isang brown leather sling bag na may lamang caliber 45 na may serial number na 911963 na may short magazine na naglalaman ng pitong (7) bala, 24 live ammunition para sa caliber 45, limang empty shells ng caliber 45, pera na nagkakahalaga ng P28,000 at mga dokumento.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa posibleng pagkakasangkot ng mga suspek sa criminal activities sa lugar.