9 na biktima ng sex trafficking na-rescue, suspek arestado

Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation – Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (NBI-BARMM) ang isang human trafficker habang nasagip ang 9 na mga kababaihang mga sex worker matapos na magsagawa ng entrapment operation sa Cotabato City.

Kinilala ni NBI Officer-in-Charge (31OIC) Director Eric B. Distor ang suspek na si Bai Sofia S. Tuas.

Ayon kay OIC Director Distor, nag-ugat ang naturang operation makaraang makatanggap ng impormasyon ang NBI-BARMM tungkol sa umano’y human trafficking activities sa Cotabato City.


Paliwanag ni Distor na nagkasundo ang undercover, NBI-BARMM agent at suspek na magkita sa isang hotel sa Cotabato City kung saan ay humihingi sila ng 9 na mga babaeng sex worker kapalit ang P5,000 bawat babae.

Pagdating sa naturang hotel, agad na naaresto ang suspek at nabawi ang 9 na mga kababaihan.

Facebook Comments