2 Lalaki na Illegal na Namutol ng Kahoy, Pinaghahanap ng Otoridad

Cauayan City, Isabela- Tinutugis ngayon ng mga otoridad ang dalawang kalalakihan na naaktuhang namumutol ng kahoy sa Sitio Paribalat, Barangay Dungeg, Sta. Teresita, Cagayan.

Nakilala ang mga suspek na sina Gilbert Tenido Tabu, nasa hustong gulang, may-asawa, magsasaka, residente ng Barangay Villa ng Sta. Teresita at Bryan Rapisora Sunio, nasa hustong gulang, may-asawa, magsasaka at residente naman ng Barangay Dungeg, Sta. Teresita, Cagayan.

Una rito, nakatanggap ng tawag ang PNP Sta Teresita mula sa isang concerned citizen na may kasalukuyang namumutol ng kahoy sa Sitio Paribalat na agad namang inaksyunan ng mga pulis.


Nang dumating ang mga rumespondeng pulis ay agad na kumaripas ng takbo sa kabundukan ang dalawang suspek

Narekober sa lugar ang pitong (7) flitches ng kahoy na tinatayang nasa 576 boardfeet na nagkakahalaga ng mahigit Php17,000, isang (1) kulong-kulong na walang plaka at isang (1) chainsaw.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang mga narekober na ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments