2 lalaki nagpaalam na maglalaro ng mobile games, patay nang tamaan ng kidlat

103

Patay ang dalawang lalaking magpinsan matapos tamaan ng kidlat habang gumagamit ng cellphone sa bulubunduking bahagi sa Sta. Elena, Camarines Norte, noong Sabado.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jimboy Magsino Lora at Jercho Compra Lora na kapwa 18-anyos.


Sa ulat ng Sta. Elena Municipal Police Sattion, maaraw pa nang mga oras na nagpaalam daw si Jimboy na maghahanap ng malakas na signal ng internet para makapaglaro ng online games.

Pinayagan naman ito ng ina at saka sumama ang isa pang biktima na si Jericho.

Pumuwesto ang dalawa malapit sa isang puno sa mataas na bahagi ng barangay nang dumilim ang kalangitan at doon na tinamaan ng kidlat ang magpinsan.

Wala nang buhay at nagkahiwa-hiwalay ang cellphone ng dalawa nang abutan ng mga kaanak.

Facebook Comments

From Advertisers