VIRAL: 2 aso sinira ang passport ng kanilang amo

407
Courtesy Facebook/Mark Kevin Morales Grande

Kamakailan, naging viral sa social media ang larawan ng wasak na passport ng isang netizen.

At ang umano’y sarilin sa insidente – mga alaga niyang aso.


Ibinahagi ni Mark Kevin Morales Grande noong nakaraang Martes ang sinapit ng kanyang passport at iba pang dokumento. Habang hawak ang gula-gulanit na passport, mapapansin pinagmamasdan siya ng alagang sina Lala at Misu.

Tila sinasabi ng mga inosenteng alaga, wala silang kasalanan sa pangyayari.

“Lord, sabihin niyong panaginip lang ito. Kung hindi po, gawin niyo silang (aso) palaka. Totoo ba ‘to Lord?” mensahe ni Garde sa wikang Cebuano.

Kuwento ni Garde, hindi niya alam paano nakuha ng mga alagang hayop ang passport dahil nasa trabaho ito. Nakalagay rin ito sa isang plastic case at container.

Umani ng samu’t-saring reaksyon mula sa netizens ang luray-luray na mga papeles.

“Simply, your dogs doesn’t want you to go abroad.”

“Ah grabe naman ng aso na yan nangalkal pa sa aparador kong saan nakalagay ang passport?”

“Ganyan din aso namin..yung mga letter na hinuhulog ng mail man pag di agad namin nakukuha pinupunit ng aso namin..parang tao lang kung magpunit eh.”

Sa ngayon, mahigit 40,000 shares at likes ang inabot ng nakalulungkot pero nakatatawang post.

Facebook Comments

From Advertisers