2 lalaki patay ng pagbabarilin sa bayan ng Kabacan North Cotabato

Dalawang lalaki ang agad binawian ng buhay ng pagbabarilin sa bayan ng Kabacan North Cotabato pasado alas otso kagabi.
Kinilala ang mga biktima na sina Kipua Mukalam,18 anyos binata , isang magsasaka na nakatira sa sitio Lugit, Barangay Lower Paatan sa nasabing bayan at isang Randy Kadil Samama alyas “Teng “walang hanapbuhay nakatira sa bayan ng Carmen sa North Cotabato.
Nangyari ang pamamaril sa tapat ng Fairy Queen KTV Bar sa Mapanao Street Poblacion Kabacan kagabi
Nagtamo ng tama ng bala sa kanilang ulo ang mga biktima na nagsanhi ng agaran nilang kamatayan. Inaalam pa kung sino ang mga salarin at ang motibo sa pamamaril.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments