KALABOSO | Babaeng estapador, arestado dahil sa multi billion pesos investment scam

Manila, Philippines – Arestado ang isang babae matapos tangayin ang 148 million pesos mula sa 46 na biktima ng kanyang investment scam.

Kinilala ang suspek na si Margarita Huang, nahaharap sa tatlong arrest warrant dahil sa kasong syndicated estafa.

Ayon sa mga biktima, hinikayat sila ng suspek na mag-invest sa Comfood lending corporation nito kung saan sila pinangakuan ng 4% hanggang 15% na buwanang interest sa loob ng anim na buwan.


Nasa sa ₱100,000 hanggang ₱3 million ang ibinigay ng bawat biktima sa suspek.

Tinutugis na rin ng mga otoridad ang asawa, anak at sekretarya ni huang na sangkot din umano sa multi-million investment scam.

Facebook Comments