2 lalaki sa Detroit, binaril dahil ‘bakla’ – piskal

56

Arestado ang isang lalaki sa Detroit, U.S matapos barilin ang dalawang lalaki dahil bakla ang mga ito, ayon sa piskalya.

Kinilala ang suspek na si Demetris Nelson, 26, na pinagnakawan pa raw bago tuluyang barilin ang mga biktimang sina Brian Anderson, 31, at Malcolm Drake, 26, nitong Sabado.


Patay sa natamong pinsala si Anderson, habang kritikal naman ang lagay ni Drake.

Ayon sa Wayne County Prosecutor’s Office, ginamit ni Nelson ang Grindr dating app para hanapin o piliin ang mga biktima.

Patong-patong na kaso ng pagnanakaw at pagpatay ang isinampa sa suspek.

Ikinagalit naman ito ng ilang non-profit civil rights groups, partikular sa mga nagsusulong ng kapakanan ng LBTQ+ community.

“We are saddened and outraged by this despicable crime. This case is just the most recent example of how members of Detroit’s LGBTQ community are too often targets of violence,” pahayag ni Alanna Maguire, presidente ng Fair Michigan Foundation, isang civil rights group.

Magkakaroon naman ng pagdinig sa kaso sa Hulyo 26.

Facebook Comments

From Advertisers