VIRAL: Babae, inireklamo ang pagpapahiya ng jeepney driver sa kapatid

733
Image via Zandra Buenaventura on Facebook

Inireklamo ng babae ang driver na umano’y nagpahiya sa kaniyang kapatid sa mga pasahero ng nasakyang jeep na papuntang Meycauayan, Bulacan na may plakang CXA 505.

Ayon kay Zandra Buenaventura, kasama niya ang nakakabatang kapatid sa jeep na ito nang pasabitin ito at hindi pa rin pinapasok kahit na may mga bumabang pasahero.


Sinabi ng jeep na puno na ang jeep at napilitan na lamang na sumabit. Kinalaunan ay sinabi nalang ng driver na may kalakihan ito kaya ayaw pasakayin.

Ibinahagi ni Zandra naging karanasan ng kapatid sa Facebook.

Nadismaya rin ang mga netizen sa karanasan nilang ito at pinayuhang ireklamo ito sa LTFRB (Land Transportation and Regulatory Board).

Sa kasalukuyan ay mayroon itong 795 reactions, 305 comments at 755 shares.

Facebook Comments

From Advertisers