2 lalaki sa Indonesia nagnakaw ng earthquake detector, binenta pa sa Facebook

Sitwasyon sa Palu matapos ang lindol at tsunami noong Setyembre, nakaraang taon. Courtesy of BNPB

Naaresto ng mga awtoridad sa Palu, Indonesia ang isang 14-anyos na estudyante na itinago sa pangalang AP, at 43-anyos na si Sofyan matapos magnakaw ng earthquake detector na pagmamay-ari ng Meteorology, Climatology and Geophysics Agency (BMKG).

Bukod sa kanila, mayroon pang dalawang suspek na pawang mga estudynate rin ang pinaghahanap ng pulisya ayon kay Sigi Police chief Adj. Sr. Comr. Wawan Sumantri.

Ayon sa awtoridad, nagkakahalagang Rp 700 million (P2.5 million) ang ninakaw na device.


Napag-alaman ng pulisya ang kinaroroonan ng mga suspek matapos mamataan ang isang Facebook group kung saan ibinebenta ng mga suspek ang ninakaw sa halagang Rp 480 (P1.8 million) na lamang.

Isa ang ninakaw na detector sa apat na nakakabit sa lugar para mabantayan ang paglindol sa Koro Island.

Ayon kay BMKG Palu head Cahyo Nugroho, kahit isa lamang sa apat ang mawala, hindi magiging angkop ang makukuhang impormasyon sa mga detector.

“If one is broken, the other cannot function,” aniya.

Nakaraang Setyembre lang nang tamaan ng malakas na lindol ang Central Sulawesi, Palu na nagdulot ng tsunami at pumatay sa higit 4,000 katao.

Facebook Comments