2 Lalaki, Sugatan Matapos Ma-hit and Run!

60

*Cauayan City, Isabela-* Sugatan ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki matapos ma-hit and run ng hinihinalang forward truck sa pambansang lansangan sa bahagi ng Brgy. Raniag, Ramon, Isabela.

Sa inisyal na impormasyong nakuha ng 98.5 iFM Cauayan, dakong alas 11:05 kagabi nang mangyari ang insidente na habang binabaybay ng mga biktima ang lansangan lulan ang Yamaha Sniper 150 na motorsiklo ay biglang nabangga ng kasalubong na sasakyan.


Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang dalawang biktima na agad dinala sa pagamutan para mabigyan ng paunang lunas.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon at hot pursuit operation ng pulisya para sa pagkakakilanlan at pagkakahuli ng suspek.

Facebook Comments