3 Centenarian sa Buldon , Maguindanao binigyan ng tig-100K

Tatlong Centenarians mula sa bayan ng Buldon, Maguindanao ang pinagkalooban ng tig- 100K mula sa pundo ng Gobyerno sa ilalim ng programa ng DSWD.

Kahapon pinangunahan mismo ni Buldon Mayor Abolais Manalao kasama ang mga opisyales mula Ministry of Social Services ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang pagbibigay ng 100K sa mga Centenarians.

Kabilang sa mga nakabiyaya ng programa ng gobyerno sina Mocamad Papanday ng Brgy. Minabay, Paira Sanggacala ng Brgy. Karim at Abaton Macalangcom ng Brgy. Piers.


Umaasa naman si Mayor Manalao na magsilbing inspirasyon ng kanyang mga kababayan ang mga centenarians para na rin makapamuhay ng Healthy Lifestyle .

Nagpapasalamat naman ang mga beneficiaries maging ang kanilang mga kaanak sa biyaya na kanilang natanggap. Magiging malaking tulong aniya ito para na rin sa pandagdag na matustusan ng pangunahing pangangailangan sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

Facebook Comments